Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito.

Scan the qr code to link to this page

Ang ḥadīth
Ang pagpapaliwanag
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan
Ayon kay Abū Umāmah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: Bigkasin ninyo ang Qur'an sapagkat tunay na ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay bilang tagapamagitan sa mga tagatangkilik nito."
Tumpak. - Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ang pagpapaliwanag

Hinimok ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang kalipunan niya na bigkasin ang Qur'an sapagkat kapag sumapit na ang Araw ng Pagkabuhay, gagawin ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ang gantimpala sa pagbigkas ng Qur'an na ito na isang bagay na umiiral, na darating sa Araw ng Pagkabuhay na namamagitan sa mga bumigkas dito, mga nagpapakaabala rito, at mga kumakapit sa mga utos nito at mga pagbabawal nito.

Ang mga kategorya

Matagumpay na naisagawa ang pagpapadala