Ang Pinaka-mainam sa inyo ay sinumang nagsaliksik sa kaalaman ng Qu-an at itinuro niya ito.

Scan the qr code to link to this page

Ang ḥadīth
Ang pagpapaliwanag
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
Ang karagdagan
Ayon kay Uthman bin Affa`n-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi siya:(( Ang Pinaka-mainam sa inyo ay sinumang nagsaliksik sa kaalaman ng Qur-an at itinuro ito.))
Tumpak. - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.

Ang pagpapaliwanag

Ang pinaka mainam sa inyo ay sinumang nagsaliksik sa kaalaman ng Qur-an at itinuro ito" at ang salitang ito ay para sa pang-kalahatang henerasyon,Ang pinaka-mainam sa mga tao ay sinumang pagsamain ang dalawang katangiang ito;Ang Nagsaliksik sa kaalaman ng Qur-an at Nagturo ng Qur-an,Natutunan niya ito sa iba at itunuro niya ito sa iba,Sapagkat ang pagsasaliksik sa kaalaman ng Qur-an ay mula sa pinaka-mataas na antas ng kaalaman,at ang pagsasaliksik at pagtuturo ay nasasakop ang pag-aaral sa (pamamaraan) pagbigkas at ang mga hindi nakikitang bagay,Kaya`t sinuman ang nakasa-ulo ng Qur-an na ang ibig sabihin ay: Itinuturo niya sa mga tao ang pamamaraan ng pag-basa,at ipinasasa-ulo niya ito sa kanila,siya ay napapaloob sa Pagtuturo,At gayundin ang sinumang mag-aral ng Qur-an sa dako na ito,Siya ay Napapaloob sa Pag-aaral. At ang pangalawang uri ay:Pag-tuturo ng kahulugan,Na ang ibig sabihin ay: Pagtuturo sa kapaliwanagan, Na ang tao ay uupo sa mga tao at ituturo niya sa kanila ang kapaliwanagan sa salita ni Allah-kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan-sa pamamaraan ng pagbibigay ng kapaliwanagan sa Qur-an,at kapag tinuruan ng isang tao ang iba sa pamamaraan ng pagbibigay kapaliwanagan sa Qura-an,at ibinigay niya ang mga patakaran doon,ito ay mapapaloob sa Pagtuturo ng Qur-an

Ang mga kategorya

Matagumpay na naisagawa ang pagpapadala