Ang pagpapaliwanag
Kabilang noon sa patnubay ni `Umar, malugod si Allāh sa kanya, na ito ay sumasangguni sa mga tao, sa mga may matalinong pananaw, kaugnay sa anumang nagdudulot ng suliranin sa kanya. Inilalahok niya noon kasama ng mga nakatatanda ng Badr, na mga pangunahing Kasamahan, si `Abdullāh ibnu `Abbās. Siya noon ay bata ang edad kung ihahambing sa mga ito kaya nagalit ang mga ito doon. Papaanong inilalahok si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, at hindi inilalahok ang mga anak nila kaya ninais ni `Umar na ipakita sa kanila ang kalagayan ni `Abdullāh ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, sa kaalaman, katalinuhan, at kahusayan kaya tinipon nito sila at tinawag siya. Inilahad nito sa kanila ang Kabanata 110 ng Qur'ān: "Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop, at nakita mo ang mga tao na pumapasok sa Relihiyon mula kay Allah na mga pulu-pulutong, ay magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad." Nahati sila sa dalawang bahagi noong tinanong nito sila tungkol doon kung ano ang masasabi nila kaugnay roon? May isang bahaging nanahimik at may isang bahaging nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-utos sa atin, kapag dumating ang pagwawagi at ang pagsakop, na humingi tayo ng tawad sa mga pagkakasala natin, magpuri tayo sa Kanya, at magluwalhati sa Kanya kalakip ng papuri sa Kanya." Subalit si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, ay nagnais na malaman kung ano ang pinatutungkulan ng kabanatang ito at hindi niya ninais na malaman ang kahulugan nito alinsunod sa mga pananalita at mga salita. Tinanong nito si Ibnu `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Ano ang masasabi mo sa kabanatang ito?" Nagsabi siya: "Ito ay taning ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: ang tanda ng paglapit ng taning niya, na ibinigay ni Allah sa kanya bilang talata [ng Qur'ān]: 'Kapag dumating ang pagpapawagi ni Allah at ang pagsakop...' Tinutukoy nito ang pagsakop sa Makkah sapagkat tunay na iyon ay tanda ng taning mo: 'magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad.'" Kaya nagsabi ito: "Wala akong nalalaman kaugnay rito maliban sa nalaman mo." Lumitaw sa pamamagitan niyon ang kalamangan ni Allah, malugod si Allah sa kanilang dalawa.